Survey
* Your assessment is very important for improving the workof artificial intelligence, which forms the content of this project
* Your assessment is very important for improving the workof artificial intelligence, which forms the content of this project
Ako at ang Guro Ko sa Matematika Mahusay isang salitang pang-uri na nararapat sambitin at ibigay sa ating mga dakilang guro. Alam natin kung gaano kalaki ang responsibilidad na ginagampanan ng mga guro sa ating kinabukasan at lipunan.Sila ang tagapaghubog ng mga pag asa at utak ng bayan.Sila ang nagsisilbing tagapaghasik ng karunungan .Sa pag aaral ni Michael Xian Lindo Marcelino ay sinasabing kung wala ang guro ay maaaring wala rin ang iba pang propesyon dahil simula bata pa lamang ang tao ay dumadaan na sa pagkalinga at pagtuturo ng isang guro.Subalit ano at paano ang paglalakbay ko sa mundo ng matematika kasama ang aking guro. Paano nga ba nagsimula ang lahat sa mundo ng numero?Ano ang mga balakid o hamon sa pakikipag interaksyon ko sa turo ng aking guro? Paano nila pinakilala sakin ang matematika? Ito ang mga katanungan na nabuo sa aking isipan na gusto kung isalaysay ang kasagutan. Isa akong manlalakbay sa mundo ng matematika kung saan numero ang namamahala,kasama ang aking mga guro na nagsisilbing gabay at nagpapaalala ng mga rules sa matematika upang di malamangan ng iba. Nagsimula ang lahat sa mga numero ito ang mga naging dahilan kaya ko nakilala ang tulad nilang mga guro.Hindi lang bihasa pagdating sa pagtuturo kundi maging sa pagreresolve ng problema at pagkalkula ng numero. Sa pasimula pa lamang ng elementarya ay tinuturuan na ako ng aking guro sa matematika ng mga paraan ng pagbilang, pagsulat ng numero, maging sa pagdadagdag at pagbabawas ng numero.Napakapasensosyo/pasensosya sa kanyang pagtuturo. Kahit na ilang beses akong nalito lito at nagpagulong-gulong ang utak ko sa kakatingin ng mga numero ay nanatili syang kalmado at suot suot ang sandata nyang ngiti sa mga labi.Ang kanyang ngiti ang para bang nagsasabi sakin na "kaya mo yan" na sya namang nagpapalakas ng aking kalooban.Naging malakas ako upang harapin ang mundo ni numero.Pagtungtong ko ng sumunod na taon ay hinuhubog ang kaalaman ko sa pamamagitan ng iba-ibang paraan sa pagsosolve ng mga problema patungkol sa numero.Ayon sa iba ,ito ang isa sa mahirap na bahagi ng asignaturang ito.Pagdating ng sekundarya matutuwa ka dahil dito mo makikilala ang guro mong sasanayin ang talas ng utak sa pamamagitan ng pagbibigay ng aktibidadis na kadalasan magpapasolve sila ng equation gamit ang buong papel.Dito rin masasanay ang utak sa pag iisip ng mabilis dahil sa ibibigay nilang laro na paunahan sa pagsasagot sa pisara ng problema o ng equation.Sinasabi na ito ay istratehiya upang ang mag aaral ay magkaroon ng saya sa pag aaral lalo na sa matematika.Sa sekundarya higit na lumawak ang pag-iisip ng mga guro sa kung paano ang pamamaraan nila maituturo ng higit ang asignaturang matematika. Dito ,ang guro ay nakapukos lang sa pagtuturo ng kanyang specialized subject. Natutuwa ako sa aking guro noong ako ay nasa ika-10 baitang dahil sa galing nya sa pagtuturo ng matematika. Sa tuwing nagtuturo sya kapansin pansin na bawat hakbang sa pagsosolve ay kanyang pinapakita .Malaki rin ang naiaambag ng teknolohiya sa panahon ngayon upang higit na matuto ang mga mag-aaral. Kalimitan sa mga guro ay gumagamit ng mga “Computerized Visual Aids” kagaya ng power point presentation naikinikonekta sa mga projector. Sa ganitong pamamaraan ay higit na nabibigyang pansin ng mga mag-aaral ang leksyong itinuturo ng kanilang mga guro. Madalas ding gumagamit ang mga guro ng “Online Evaluation Test” kung saan ang mga equation o mga problema sa nasabing asignaturabay sinasagutan ng mga mag-aaral gamit ang computer at internet. Higit na nakakapag-pokus ang mga mag-aaral sa mga ganitong pamamaraan kaysa sa pagbabasa lamang ng mga problema at formula sa libro. Pagdating ko ng kolehiyo dito na ako medyo nalilito kasi naka-advanced na ang mga itinuturo ng aking guro.Naging mas seryoso ang matematika pero gayunpaman malaki ang tulong ng aking guro upang mas maunawaan ko ang matematika, ng husto. Sa kabila ng mahirap na asignaturang matematika nagagawa kung makapasa sa tulong nila.Sa oras ng kanilang pagtuturo kung gaano man ako/kami nahihirapan sa asignatura gayundin ang nararamdman nila.Sapagkat,gumagawa sila ng iba-ibang paraan para matuto kaming mga mag aaral. Mga numero na nagpagulong saking isipan dahil matematika ay di maintindihan pero naging malinaw dahil sa mga guro kong numero ay kaibigan. Hindi man maidetalye ng arithmetic o ng geometric sequence kung sino kang talaga alam namin na MAHUSAY KAYO at di kumukupas ang inyong galing sa pagtuturo ng matematika.Ako at ang aking mga guro sa matematika.