Survey
* Your assessment is very important for improving the workof artificial intelligence, which forms the content of this project
* Your assessment is very important for improving the workof artificial intelligence, which forms the content of this project
AUGUST 24, 2021 ANUNSYO PARA SA LAHAT NG EMPLEYADO! ISANG MAPAGPALANG ARAW! HABANG KASALUKUYAN TAYONG HUMAHARAP SA PANIBAGONG BANTA NG PANDEMYANG ITO; ANG CENTER FOR DISEASE CONTROL AY NAGLABAS NG KARAGDAGANG SUHESTIYON PARA MAS MAGING PROTEKTADO TAYO LABAN SA COVID-19 (CDC-WHO). BUKOD SA BAKUNA, ANG PAGHUHUGAS NG KAMAY, PAGDISTANSYA NG HIGIT DALAWANG (2) METRO, PAG-IWAS SA MATATAONG LUGAR, PAGSUSUOT NG FACE MASK, AT FACESHIELD AY ANG MGA PINAKA-EPEKTIBONG PA RING PARAAN UPANG MAIWASAN ANG PAGKAKAROON NG SAKIT NA COVID-19. AYON SA MGA EKSPERTO, MAS MAKAKATULONG ANG PAGSUSUOT NG DALAWANG URI NG FACE MASK UPANG MAIWASAN ANG PAGKAHAWA AT PAGLAGANAP NG NASABING SAKIT. KAYA NAMAN HINIHIKAYAT ANG LAHAT NA SUMUNOD AT MAKIISA. SUNDIN LAMANG ANG NASA LARAWAN PARA SA TAMANG PAGGAMIT AT PAGSUOT NG DALAWANG FACE MASK. Page 1 of 3 KUNG SAKALI NAMAN NA KAYO AY GUMAGAMIT NG KF94, N95 NA FACE MASK (KATULAD NG NASA LARAWAN), HINDI NA ITO KAILANGAN PANG DOBLEHIN, DAHIL SAPAT NA ANG PROTEKSYON NA KAYA NITONG IBIGAY. ANG NASABING PAMAMARAAN NG PAGSUOT NG FACE MASK AY ISASAMA SA ATING POLISIYA, AT IPAPATUPAD DITO SA LCPI/LDI/FEI/NBI/HEAD OFFICE/BINAN PLANT/WAREHOUSE/DEPOT SIMULA SA SEPTEMBER 1, 2021. MGA URI NG PAGLABAG: 1. PAGSUOT NG ISANG LAYER NA SURGICAL MASK, AT WALANG CLOTH MASK KAPARUSAHAN: a. UNANG PAGLABAG i. ISANG (1) ARAW NA SUSPENSYON b. PANGALAWANG PAGLABAG i. PITONG (7) ARAW NA SUSPENSYON c. PANGATLONG PAGLABAG i. LABINLIMANG (15) ARAW NA SUSPENSYON d. PANG-APAT NA PAGLABAG i. TERMINASYON 2. MAY FACEMASK NGUNIT NAKABABA a. EXEMPTION: KUMAKAIN, UMIINOM, O NAGPUPUNAS NG PAWIS SA MUKHA KAPARUSAHAN: a. UNANG PAGLABAG i. TATLONG (3) ARAW NA SUSPENSYON b. PANGALAWANG PAGLABAG i. LABINLIMANG (15) ARAW NA SUSPENSYON c. PANGATLONG PAGLABAG i. TERMINASYON Page 2 of 3 3. KAPAG NAPATUNAYANG HINDI TAPAT (DISHONEST) SA PAGSAGOT NG DAILY HEALTH CHECKLIST KAPARUSAHAN: a. UNANG PAGLABAG i. LABINLIMANG (15) ARAW NA SUSPENSYON b. PANGALAWANG PAGLABAG i. TERMINASYON MGA PAALALA: 1. 2. 3. 4. 5. BAWAL MAKIPAGUSAP SA LOOB NG SERVICE SHUTTLE. BAWAL MAKIPAGUSAP HABANG KUMAKAIN. BAWAL MAG-SHARE NG PAGKAIN. BAWAL MANGHIRAM NG PERSONAL NA GAMIT: TULAD NG CELLPHONE, BALLPEN PANATILIHIN ANG KATAPATAN SA PAGSAGOT NG DAILY HEALTH CHECK LIST. a. KAYO AY PINAPAYUHANG HUWAG NG PUMASOK KAPAG MAYROON NARARANASAN NG MGA SUMUSUNOD, O ANG MGA KASAMA SA BAHAY: i. LAGNAT ii. MASAKIT ANG KATAWAN AT KASU-KASUAN iii. UBO iv. SIPON v. MASAKIT ANG ULO vi. PANGANGATI NG LALAMUNAN vii. PAGKAWALA NG PANLASA AT PANG-AMOY viii. MAY DIARRHEA O PAGTATAE ix. HIRAP SA PAGHINGA b. SA LOOB NG LABINGAPAT (14) ARAW, IKAW BA AY NAGKAROON NG CLOSE CONTACT SA ISANG TAONG MAY NARARAMDAMAN NA SINTOMAS NA HALINTULAD SA COVID-19? c. SA LOOB NG LABINGAPAT (14) ARAW, PUMUNTA KA BA SA MGA LUGAR NA MAY PROBABLE O CONFIRMED NA COVID-19 CASES d. SA LOOB NG LABINGAPAT (14) ARAW, IKAW BA AY NAGKAROON NG CLOSE CONTACT SA ISANG TAONG NAGPA-SWAB TEST? 6. HUWAG KALIMUTANG MAG-SCAN NG BIND 360 QRCODE BAGO PUMASOK. 7. MAGPA-SCAN SA GUARD NG QRCODE ID KUNG WALANG BIND 360 APP. MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PANG-UNAWA AT PAKIKIISA. MANATILI PO TAYONG LIGTAS AT MALAKAS. MAG-INGAT ANG LAHAT. COVID 19 COMMITTEE Page 3 of 3