Survey
* Your assessment is very important for improving the workof artificial intelligence, which forms the content of this project
* Your assessment is very important for improving the workof artificial intelligence, which forms the content of this project
Pakikibagay at Mitigasyon Integrated RiceBased Farming System Sistemang Palayamanan Integrated or pinagsamasamang paraan Rice Integrated Crop Management System Sistemang PalayCheck Pagpili ng Barayti Pumili ng barayti na angkop sa lugar Para sa mga tuyuing lugar at umaasa sa sahod ulan: • NSIC Rc192 (Sahod Ulan 1) • NSIC Rc9 –para sa mga upland na lugar Pagpili ng Barayti Pumili ng barayti na angkop sa lugar Para sa mga palayang may patubig na pinapasok ng tubig-alat: • NSIC Rc182 (Salinas 1) • NSIC Rc184 (Salinas 2) • NSIC Rc186 (Salinas 3) • NSIC Rc188 (Salinas 4) • NSIC Rc190 (Salinas 5) Pagpili ng Barayti Pumili ng barayti na angkop sa lugar Para sa mga nababaha at nalulubog: NSIC Rc194 (Submarino 1)—barayti na may kakayahang mabuhay kahit nakalubog ng sampung araw mula pagsusuwi hanggang bago mamulaklak Pagpili Barayti Pagpili ngngbarayti Magtanim ng barayti na nakakatipid sa paggamit ng tubig Aerobic Rice • • • Makabagong teknik upang mabawasan ang paggamit ng tubig sa produksyon ng palay Pwedeng itanim sa mga mabundok na lugar na ang patubig ay mas mababa ng 50% sa karaniwang nakatanim sa kapatagan. Sa Pilipinas, ang barayting angkop para sa aerobic condition ay PSB Rc9, UPLRI5, at PSB Rc80. Paghahanda ng lupa Gumamit ng mga makinaryang angkop sa mga dipangkaraniwang kondisyon Ride-on attachment Laboy tiller Riding Floating tiller Magsagawa ng conservation tillage Hindi inaararo ang lupa at limitado ang pagsuyod Nababawasan ang paglagay ng kemikal na pataba dahil nakakadagdag sustansiya dahil muling ibinabalik ang dayami Nakakatipid sa tubig irigasyon Naiiwasan ang pagsingaw ng GHG na naiwan sa lupa Paghahanda ng lupa Gumamit ng mga makinaryang angkop sa mga dipangkaraniwang kondisyon RIDE-ON ATTACHMENT Maaaring ikabit sa anumang klase ng kuliglig at komportableng gamitin sa mga bahaing lugar LABOY TILLER Ginagamit sa lupang malalim ang putik at mahaba ang pinaggapasan RIDING FLOATING TILLER Ginagamit sa malambot at malalim na palayan Pagtatanim Baguhin ang cropping calendar at araw ng pagtatanim • Iayon ang panahon ng pagtatanim sa klima • Kailangang alamin ang takbo ng panahon para maiayon ang barayti sa klima Mag-sabog tanim • Mas nakakabawas ng pagbuga ng methane ang pagsasabog-tanim kaysa sa paglilipat-tanim dahil mas maikli ang pagpapatubig, at pagbungkal ng lupa; naiiwasan ang pagsingaw ng methane Pamamahala ng sustansiya Maging episyente sa paglalagay ng pataba sa lupa. Iwasan ang sobrang paggamit ng inorganikong pataba. Gumamit ng MOET at LCC para matiyak ang kailangang nitroheno at iba pang sustansiya ng mga pananim Ang sobrang nitroheno sa lupa ay naglalabas ng nitrous oxide, isang GHG Ang nitroheno ay nakaapekto sa bilang ng suwi, laki ng dahon, at biang ng mga butil bawat uhay, porsiyento ng paglalaman at protina ng butil na nagreresulta sa mataas na ani. Minus-One Element Technique (MOET) - Ang MOET ay isang simple at murang paraan upang malaman ang kulang na sustansya sa lupa. - Nakababawas ng pag-emit ng greenhouse gases mula sa sobrang paglalagay ng inorganikong pataba. Leaf Color Chart (LCC) - Gamitin ang LCC tuwing ika-7 araw mula sa maagang pagsusuwi hanggang pamumulaklak pata malaman kung kailangan na ng palay ang patabang nitroheno. - Kung ang basa sa LCC ay mababa sa 4 kung lipat-tanim, at 3 kung sabog-tanim, kailangan ng nitroheno ang lupa Pamamahala ng tubig Magsagawa ng controlled irrigation Nababawasan ang paggamit ng tubig sa palayan na hindi naaapektuhan ang ani. Nakatutulong ito para mabawasan ang epekto ng tagtuyot sa palayan Nakatutulong upang umabot ang patubig sa mga sakahan na nasa dulong bahagi na sakop ng irigasyon Pamamahala ng tubig Magsagawa ng controlled irrigation Nakakabawas sa pagbuga ng methane na siyang mas mataas kung tuloy-tuloy ang pagpapatubig Tumataas ang methane emission kapag walang oxygen o hangin na nakakapasok sa lupa Kontroladong pagpapatubig Gumagamit ng observation well para masukat ang lalim ng tubig sa palayan upang malaman ang tamang panahon ng pagpapatubig Panatilihin ang 2-3 cm lalim ng tubig hanggang isang buwan mula pagtatanim. Makatutulong ito para mabuhay ang mga punla at para makontrol ang damo. Kontroladong pagpapatubig Pamamahala ng peste Bawasan ang paggamit ng pestisidyo Pangalagaan ang mga kapaki-pakinabang na organismo Tumataas ang methane emission sa madalas na paggamit ng kemikal sa palayan Pamamahala ng peste - Ang gagamba ay kumakain ng ng mga inakay at matatandang ngusong kabayo - Ang sobrang paggamit ng mga pestisidyo ay sumisira sa balanse ng tamang dami ng mga pesteng kulisap at kaibigang organismo Gamitin ang mga patapon ng bukid Gawing pataba ang mga dayami, etc. para mabawasan ang paggamit ng kemikal Mag-vermicomposting Huwag ikalat at hayaang pabulukin ang dayami sa palayan kung ito ay may tuloy-tuloy na pagpapatubig Gawing panggatong ng makinarya ang mga patapon ng bukid gaya ng ipa Ipa ang gamiting panggatong sa maligaya flatbed dryer para mapatuyo ang inaning palay kahit umuulan Gawing panggatong ng makinarya ang mga patapon ng bukid gaya ng ipa Magpatubig lalo na kung tagtuyot gamit ang Rice-Hull Gasifier. Ipa ang gamiting panggatong pamalit sa krudo o gasolina Para makatulong sa mitigasyon ng climate change, iwasan ang mga ito: Malimit na paggamit ng kemikal na pataba Tuloy-tuloy na pagpapatubig Malimit na paggamit ng pestisidyo Pagbubulok na may tubig Pagsusunog Para pakibagayan ang epekto ng climate change, tandaan ang mga ito: 1. PAGPILI NG BARAYTI Gumamit ng barayti na angkop sa kondisyon ng lugar 2. PAGHAHANDA NG LUPA Gumamit ng mga makinarya na angkop sa mga ‘dipangkaraniwang kondisyon 3. PAGTATANIM Iayon ang panahon ng pagtatanim at ang barayti na itatanim sa klima Para pakibagayan ang epekto ng climate change, tandaan ang mga ito: 4. PAMAMAHALA NG TUBIG Magsagawa ng kontroladong pagpapatubig 5. GAWING PANGGATONG ANG MGA PATAPON NG BUKID gaya ng dayami, ipa, etc. ng mga makinaryang makatutulong para pakibagayan ang tagtuyot at ang madalas na pag-ulan Rice-Hull Gasifier para sa pagpapatubig Mechanical Dryer para sa pagpapatuyo ng palay kung tagulan Para pakibagayan ang epekto ng climate change, tandaan ang mga ito: 6. MAG-PALAYAMANAN Mas may kasiguraduhan sa produksiyon at kita kahit sa pabagu-bagong klima 7. ECOLOGICAL RICE FARMING Ugaliing makalikasan ang pamamaraan ng pagsasaka ‘Di kailangang imemorize lahat