Download PERFORMANCE TASK IN FILIPINO

Survey
yes no Was this document useful for you?
   Thank you for your participation!

* Your assessment is very important for improving the workof artificial intelligence, which forms the content of this project

Document related concepts
no text concepts found
Transcript
ONE ACT PLAY SCRIPT
Basilio: Mga pangarap, mga liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marami ang
nagdurusa, marami ang nananahimik ngunit napapahamak. Oo, naninirahang takot at
naghihinagpis, hihintayin ko ang araw na itong lahat ay lilipas, malayo sa kabiguan at
pang-aapi. Kaya kayong mga kalaban ko, mga dayuhan, huwag niyo akong salingin.
Tiya Isabel: Diyos ko! Narito na pala kayo, magandang gabi sa inyong lahat, salamat sa
inyong pagdating. (nakaharap sa bisita). . .Ay naku, Tiago, Diyos ko, nasaan ka na!
Tiya Isabel: Hesusmaryosep!Maghintay lang kayo, mga bulagsak!(aalis sa set na para bang
nagmamadali)
(Padre Damaso, pagala-gala)
Padre Damaso: Tsk, nakakainis, ilang taon na akong nagserbisyo sa San Diego, ngayo’y
inilipat ako sa isang bayan; napakawalang asal na mga Indio!(walang kausap, nagsasalita
habang pagala-gala)
(napatigil si Padre Damaso ng kausapin ang lalaking kulay mais ang buhok. . .Si Padre
Sibyla ay nasa isang tabi pinapanuod si P.Damaso at makikisawsaw sa usapan ng dalawa)
Lalaking kulay mais ang buhok: Padre, isang Indio din ang may-ari ng bahay na ito!
Padre Damaso: Wala akong pakialam, buwisit, napakatamad talaga ng mga Indio, at
makasalanan pa!Hindi marunong magkumpisal tsk, walang pagbabago sa kalagayan ng
bayan!
Padre Sibyla: Maaaring masaktan niyo si kapitan. . .
Padre Damaso: HMP!Matagal nang ipinagpalagay ni Tiago na siya’y hindi isang Indio.
Inuulit ko, wala nang makatatalo sa kamangmangan ng mga Indio!
Lalaking kulay mais ang buhok: Eh, padre, ang sakit mo naming magsalita, parang hindi
mo matalik na kaibigan si Kapitan Tiago, at, ninong ka naman ng anak nyang si Maria
Clara. Hindi ba kaibigan mo din yung yumao na si Don Raph. . .
(sumabad si Padre Damaso)
Padre Damaso: Tumigil ka!Para kang kung sinong nagmamarunong, umalis ka sa aking
paningin!
(biglang natigil ang usapan)
Tiya Isabel: Aba, nandito na ho ang aking matalik na pinsan, at ang kasama niyang si. . . .
Ibarra: Ah, Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin po, Masaya akong Makita kayong lahat.
(nagpalakpakan, liban kay Ibarra)
Kapitan Tiago: Ah, eh, oh sige Crisostomo, iiwan muna kita. (alis sa set)
Ibarra: Ah, Reberensya, kayo po ba si Padre Damaso? Ang matalik na kaibigan ng aking
yumaong ama na si Raphael Ibarra!
Padre Damaso: Ha! Bata, ako nga si Padre Damaso, paumanhin ngunit ni minsa’y hindi ko
naging kaibigan ang iyong ama!
Tiago: Ah, kilala niyo pala si Padre Damaso, handa na ang hapunan!
Victorina: Argh… wala ka bang mata?!
Tinyente: Mayroon po, Senyora. Ngunit ako ay nakamasid sa kulot ninyong buhok..
Victorina: Argh…
Tenyente: Don Crisostomo, ilang taon kayong nag-aral sa Europa?
Crisostomo Ibarra: Pitong taon po…
Tenyente: Aaaah…pitong taon? Naku, baka nakalimutan mo na ang bayang ito!
Crisostomo Ibarra: Naku, baka ako nga ang nalimutan ng bayang ito.
Padre Damaso: Hmph, sabihin mo nga bata, bakit ka pumarito?
Crisostomo Ibarra: Ah, nais ko pong mas makilala ang bansa kong sinilangan at malaman
kung bakit at paano namatay ang aking ama.
Padre Damaso: Bata, pumarito ka dito sa Pilipinas upang makilala ang bayang ito? Alam
nating lahat na mga Indio ang nakatira sa lupaing ito! Napakaliit na bagay ang sinadadya
mo rito, walang mahalaga dito sa bayang ito!
Crisostomo Ibarra: Reberensya, huwag po kayong magsalita ng ganyan, mayaman itong
bayang Pilipinas tulad ng Inang Bayang Espanya!
Padre Damaso: Ha! Ganito na ba ang mga binata ngayon? Nagmamarunong! Walang asal,
sinasagot pa ang reberensya, parang matalinong magsalita!
Crisostomo Ibarra: Senyores, huwag kayong magtaka sa aming dating kura, ganyan na yan
siya dati pa at hindi na nagbabago. Patawad, ngunit kailangan ko nang umalis.
Kapitan Tiago: Aba, hijo, kararating mo lamang dito, atsaka, dadating din si Maria Clara
ngayong gabi, sinundo na siya ni Isabel.
Crisostomo Ibarra: Salamat po sa inyong pagtanggap sa akin dito, ngunit, marami pa
akong dapat asikasuhin, pupunta ako dito bukas na bukas din.
TINYENTE: Señor Ibarra.
CRISOSTOMO: Tinyente, kayo pala. Ginulat po ninyo ako.
TINYENTE: Mag-ingat kayo, Señor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa inyong ama.
CRISOSTOMO: Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama. Maaari ba
ninyong sabihin sa akin?
TINYENTE: Wala ba kayong nalalaman? Sa pagkakaalam ko, namatay ang iyong ama sa
loob ng bilangguan.
CRISOSTOMO: Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayo’y
nagkakamali lamang?
TINYENTE: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa bilangguan. Si
Rafael Ibarra, siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre Damaso.
CRISOSTOMO: Maaari ba ninyong sabihin sa akin ang buong pangyayari? Bakit po siya
nakulong?
TINYENTE: Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na naging
kolektor ng buwis. Nang siya’y nangongolekta, minsan siyang napagkatuwaan ng mga
bata…
Flashback:
TINYENTE: Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at papel. Pinagtatawanan
siya ng mga bata.
BATA 1: Ba-be-bi-bu-bo! Ha Ha Ha!
BATA 2: Hindi ba’t hindi siya marunong magsulat? Para saan kaya ang lapis niyang dala?
Ha ha ha!
KOLEKTOR: Tigilan n’yo ko! Baka kung ano ang magawa ko sa inyo! Ano’ng sabi n’yo?
TINYENTE : Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng baston ang isang bata at
ito’y natamaan. Nahuli niya ito at kanyang sinaktan.
KOLEKTOR: Ikaw, ano’ng sabi mo?!
BATA: Ahh! Nagbibiro lamang po ako. Ahh-RAFAEL IBARRA: Bitawan mo sila!
Tinulak ni Don Rafael ang kolektor ng buwis at ito’y nawalan ng balanse.
RAFAEL IBARRA: Hindi ko mapapayagang saktan ninyo ang mga bata.
TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor. Dahil
dito’y hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at pinagbintangan ng kung
anu-ano. Dahil sa kabiguan niyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa
bilangguan na namatay.
IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan... Ama ko...
Narrator: Masaklap na karanasan ang dinanas ni Don Crisostomo Ibarra, ang ama niya’y
pinagbintangan ng kasalanang hindi naman niya ginawa. Ngunit, hindi ang paghihiganti
ang agad inisip ng binata, nais niyang ipagpatuloy ang mga magagandang pangarap ng
kanyang ama.
(nasa harap si Kapitan Tiago..humihimas ng manok at may tabako)
Narrator: (pinapakilala si Tiago)
Kapitan Tiago: Clarita, sa palagay ko masmaganda na lumipat ka sa Malabon, hindi na kasi
sa San Diego seserbisyo ang ninong mo na si Padre Damaso, inilipat na siya. Sige,
maghanda ka na ng mga damit at magpaalam ka na sa iyong mga kaibigan.
Tiya Isabel: Pinsan! Ano ka ba, mas-hiyang ang anak mo sa San Diego, sigurado akong
masisiyahan siya doon, nandoon kasi si Ibarra.
Kapitan Tiago: Ah! Tama, nagpasya nga si Crisostomo dito!
Maria Clara: Ano?!
Tiya Isabel: Ano ba yung dalagang iyon, Clarita! Si Crisostomo nandito! Halika nga dito,
ikaw talaga, pahiya-hiya ka pa!
Crisostomo Ibarra: Maria Clara!
Maria Clara: Crisostomo!
Maria Clara: Hmph, nakalimutan mo na ata ako, sigurado ako na may nakita kang ibang
babae sa bansang pinuntahan mo.
Crisostomo Ibarra: Maari ba kitang malilimutan? Araw at gabi ay ikaw ang aking iniisip!
Maria Clara: Ikaw talaga! Hindi talaga kita nakalimutan, natatandaan ko pa yung mga oras
na naglalaro tayo. Noong nasa beateryo ako, sinasabihan ako na kalimutan kita, pero
hindi, Hindi kita makalimutan Crisostomo!
Crisostomo Ibarra: Maria Clara!(hinaplos ang buhok)
Maria Clara: Bukas, Todos los Santos na…eto, mga bulaklak, ialay mo iyan sa libingan ng
mga magulang mo. Crisostomo, magkita tayo sa loob ng ilang araw ha? Inaasahan kita!
Crisostomo Ibarra: Ha, sige Maria Clara, aalis na ako…
Kapitan Tiago: Masayang Biyahe!
Sepulturero 1: Ughhh! Ayoko na! Napakaselan naman nito!
Sepulturero 2: Oo nga, bagung libing pa ata iyan ah!
Sepulturero 1: Tingnan mo nga, may buhok pa, ang mga buto, may bahid ng mga dugo!
Sepulturero 2: Hindi yan nakakatapat sa aking hinukay , dalawampung araw pa lang na
patay, pinahukay na sa akin para ilipat sa sementeryo ng mga Tsino, ngunit, umuulan at
walang ilaw, nahirapan ako kaya itinapon ko nalang sa ilog.
Sepulturero 1: Huh? Ibig mo bang sabihin na ipinahukay ang isang tao para ilipat sana sa
sementeryo ng mga makasalanan?
Sepulturero 2: Oo nga, Tiyak na may malaking kasalanan ang taong iyon.
Dumating na sina Crisostomo at ang kanyang alalay.
CRISOSTOMO: Nasaan ba?
ALALAY: Sa likod po ng malaking crus, senyorito.
CRISOSTOMO: Dito ba?
ALALAY: Ngunit…hindi po rito ang natatandaan ko. Sandali lamang po at ipagtatanong ko.
Nilapitan ng alalay ang naghuhukay at nagtanong.
ALALAY: Alam mo ba kung saan ang malaking krus na itinirik dito?
LALAKI 2: Ah, iyong malaking krus? Sinunog ka na iyon.
ALALAY: Ano? Bakit mo naman ginawa iyon?
LALAKI 2: Napag-utusan lamang ako ng malaking kura.
CRISOSTOMO: At anong ginawa mo sa bangkay?!
LALAKI 2: Sinabi sa akin ng malaking kura na dalhin ko raw ito sa libingan ng mga Intsik.
CRISOSTOMO: At ginawa mo naman?!
LALAKI 2: ‘Wag po kayong magalit, senyor. Masyadong mabigat ang bangkay, at umulan
pa nang gabing iyon kaya…itinapon ko na lamang ito sa ilog.
CRISOSTOMO: Itinapon?! Isang kabaliwan ang iyong ginawa!
Related documents