Download ABELLERA FIL002 KONSEPTONG PAPEL

Survey
yes no Was this document useful for you?
   Thank you for your participation!

* Your assessment is very important for improving the workof artificial intelligence, which forms the content of this project

Document related concepts
no text concepts found
Transcript
PRAKTIKAL O HINAHANGAD NA PROPESYON: PAGSUSURI
SA PAGPILI NG MGA MAG-AARAL NG BACHELOR OF
SCIENCE IN INDUSTRIAL ENGINEERING (BSIE)
SA KANILANG KURSONG TINANGKILIK
Sulating Pananaliksik Bilang
Bahaging Pag-aaral sa Asignaturang
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Trixie Anne R. Abellera
2021
Ang Disiplina ng Pananaliksik (Rationale / Background)
Ang pagpapasiya ng mga mag-aaral sa kanilang mga kursong tatahakin pagkatungtong nila
sa kolehiyo ay isang mabigat na desisyon. Inaasahan ang mga mag-aaral na maging masusi at
kritikal tungo sa pamamaraan ng pagpili ng kursong pag-aaralan, sa madalas na saklaw na apat na
taon. Ang kursong mapipili ay higit na nakaayon sa nais na propesyong gustong mapagserbisyuhan ng isang indibidwal balang araw. Sa madaling salita, ang kinabukasan ng isang magaaral ay madalas nakaangkla sa mga desisyong pinanagutan nito noong pumili ng natatanging
kurso sa kolehiyo.
Likas sa bawat indibidwal na masabihan na dapat sundin natin ang mga gusto o mga
hinahangad natin sa buhay. Ang layuning mapalawak ang interes at apisyon ng isang indibidwal
ay tiyak na mabibigyang hubog sa kaurian ng pagiging malikhain nito sa karera ng buhay. Ngunit
kung karamihan ng tao ay susundin ang kanilang mga interes sa pagpili ng trabaho, maasahan dito
na saganang tatangkilikin ang industriya ng sining, musika, at isports. Ayon sa pag-aaral ng
University of Quebec noong 2003, 90% sa mga estudyante nila ang may matinding pagkahilig sa
sining, musika at isports, kung saan may 3% sa mga trabaho ng United States ang nakaangkla
dito. Ang kasiyahan sa pagpili ng propesyong pinaglalaanan ng mga bagay na gustong gawin ng
isang indibidwal ang magmomotiba sa pagkatao nito na maging matagumpay sa buhay, sapagkat
dapat isaalang-alang padin ang mga natatanging salik kung gaano ba talaga magiging mabunga ito
sa kasalukuyan hanggang sa nakahanay na kinabukasan.
Kasama sa sariling katangian ng pagkatao ang tuloy-tuloy na pagbabago ng mga interes sa
bagay-bagay. Kung kaya’t karamihan din sa mga mag-aaral sa kolehiyo ay nagiiba ng kurso
pagkatapos makaranas ng di akma sa kanilang mga inaasahan. Bilang suporta dito, ayon sa
National Center for Education Statistics, 80% ang mag-aaral sa kolehiyo ang nagpapalit ng
kanilang major mula isa hanggang dalawang beses.
Ang realidad sa pagpili ng kurso sa kolehiyo ay may natatanging iba’t ibang rason kung
bakit ito ang pinili o tinahak. Iilan sa mga mag-aaral ay pumipili ng kanilang kurso alinsunod sa
presyur na tahakin ang career na mas malaki ang pagkakataong magtagumpay agad. Ang mga
indibidwal na ito ay ang mga praktikal ang pagiisip at higit na tintimbang ang kanilang personal
na kasanayan, ang employment rate ng magiging propesyon, at ang nakaayon na sasahurin.
Bagaman ang pagiging praktikal ay maaaring magresulta ng miserableng career, kailangan at
importante pa din na ito ay isaalang-alang.
Sa pananaliksik na ito mabibigyang pokus ang kursong Bachelor of Science in Industrial
Engineering (BSIE) sa mga mag-aaral na nagpasyang tahakin ito. Ang Industrial Engineering ay
may taglay na malawak na saklaw sa pag-aaral. Tulad ng iba pang larangan sa inhinyero, kabilang
ang chemical, civil, mechanical, electrical, at iba pa, ang industrial engineering ay may kinalaman
sa paglutas ng mga problemang pang-siyentipiko at pang-praktikal na kaalaman. Ngunit ang
industrial engineering ay naiiba sa iba pang mga inhinyero dahil gumagamit sila ng mga
kaalamang mas malawak pa patungo sa iba’t ibang mga aplikasyon. Ang mga inhinyerong ito ay
maaaring matagpuan sa iba’t ibang sektor ng industriya, ang mga ito ay ang bangko, ospital,
transportasyon, konstruksyon, serbisyong panlipunan, elektroniks, pagmamanupaktura at
warehousing.
Ang pagiging praktikal at pagiging kahangad-hanagad ng kursong BSIE, ay ang naghudyat
sa mananaliksik na mabigyang linaw kung ano nga ba ang kadahilanan ng mga mag-aaral kung
bakit ito ang kursong itinangkilik ng mga piling mag-aaral sa pananaliksik na ito. Nakasaad sa
istatistiks ng Census of Philippine Business and Industry noong 2012 na ang arkitektura, inhinyero,
na mga aktibidad, at iba pang mga may kaugnay sa larangan ng industriya ay may pinakamataas
na bilang ng mga establisyimento na may 169 na establisyimento o 23.8 na porsyento. Ang
mananaliksik ay gagamit ng eksploratori kwantitatibong pananaliksik (exploratory quantitative
research design) kung saan mas maipapakita ang paglawak ng kaalaman sa paksa ng pag-aaral na
ito ayon sa umiiral paglaganap na mga iba’t ibang mga pangangatwiran o opinyon ng mga magaaral sa pagpili ng kursong BSIE, alinsunod sa magiging layuning propesyon nila dito balang araw.
Balangkas Teoretikal
Ang pinanghahawakang teorya sa pag-aaral na ito ay patungkol sa makatwirang pagpili ng
isang indibidwal, pragmatikong pagpapalagay ng katotohanan, at ang komprehensibong panukala
sa katangian at salik tungo sa aspeto ng pagpapasiya.
Ayon sa isang pilosopo na si Adam Smith (1986), mula sa kanyang Rational Choice
Theory, ang bawat pagpili na isinasagawa ay sumasakop sa pagsaalang-alang ng mga gastos,
panganib at benepisyo ng pagsaayon ng desisyong itinakda. Isa itong mahalagang konsepto sa
pananaliksik sapagkat makakatulong ito na ipaliwanag king paano gumawa ng mga desisyon ang
mga indibidwal. Isinasaad sa teoryang ito na ang mga indibidwal ay gumagamit ng kanilang
pansariling interes upang makapaglahad ng desisyon na magbibigay sa kanila ng malaking
benepisyo. Tinitimbang ng mga tao ang mga bagay na maaari nilang kilatisin tungo sa pagpipili
ng mga bagay o pangyayari na tingin nila ay magsisilbing mas kapakipakinabang sa kanila.
Ang mga indibidwal ay gumagamit ng mga makatwirang kalkulasyon upang makapaglista
ng mga makatwirang pagpipilian tungo sa epektibong pagkamit ng mga resulta na nakahanay sa
kanilang pang-personal na layunin. Ang mga makakamit na resulta dito ay nauugnay sa pag-
maximize ng pansariling interes ng isang indibidwal. Ang pagsasagamit ng teoryang ito ay
inaasahang magreresulta matimbang na benebisyo at kasiyasahan, alinsunod sa naitakdang mga
limitadong mga opsyon na mayroon sila upang tuluyang mabawasan ang pagkalugi sa maling
pagpapapasiya.
Ang teorya ni Peirce na Pragmatic Theories of Truth noong 1878 ay nagsasaad na ang
katotohanan ay may epekto sa paglilipat ng atensyon mula sa kung ano ang nagiging totoo sa isang
pahayag patungo sa kung ano ang ibig sabihin o ginagawa ng mga tao sa paglalarawan ng isang
pahayag. Ang mga teoryang pragmatiko ay nagsisilbing posibilidad na mabigyang tanaw ang
katotohanan bilang higit pa sa isang kapaki-pakinabang na instrumento para sa paggawa ng mga
konklusyon o mga interpretasyon. Binibigyang diin ang teoryang ito tungo sa pagbuo ng mas
malawak na praktikalidad sa paghubog ng iba’t uri ng diskurso sa isang sitwasyon. Mahalaga ang
pag-unawa sa konsepto ng katotohanan tungo sa praktikal na sukat ng partikular na pangyayari.
Sa mas praktikal na termino, nagbibigay kaunawaan ang teoryang ito ayon sa konsepto na ang
pagkakaroon ng tunay na paniniwala ay ang pagkakaroon ng paniniwalang maaasahan sa harap ng
hamon na maaari nating maharap sa buhay.
Ang Trait and Factor Theory na binuo ni Parsons (1908), ay batay sa mga saligan na
posibleng sukatin ang talento at ang mga katangiang kinakailangan sa mga partikular na trabaho
sa estado ng isang indibidwal. Ipinapalagay din nito na ang mga tao ay maaaring itugma sa isang
trabaho na angkop sa kanilang pagkatao. Iminumungkahi ni Parsons na kapag ang mga indibiwal
ay nasa trabaho na pinakaangkop sa kanilang mga kakayahan, sila ay labis na mahusay sa
pagsasaganap ng gawain at ang kanilang pagiging produktibo ay higit na mataas din.
Ang bawat tao ay may natatanging pattern ng mga katangian ana binubuo ng kanilang mga
interes, halaga, kakayahan at mga katangian ng personalidad, kung saan ang mga katangiang ito
ay maaaring matukoy sa paglalayon ng potensyal ng isang indibidwal. Posibleng tumukoy ng akma
o tugmang katangian at mga salik sa trabaho ng mga indibidwal, gamit an g isang direktang proseso
ng paglutas ng problema o paggawa ng desisyon. Kapag mas tugma ang pagitan ng mga personal
na katangian tungo sa mga kadahilanan ng indibidwal sa trabaho, ay mas malaki ang posibilidad
na mas matagumpay ang paggananap at may natatanging kasiyahan pa sa trabaho.
Knowledge Gaps to be Filled (Layunin)
Sa paghantong ng mga mag-aaral sa kolehiyo, matatanaw ang iba’t ibang persepsyon at
opinyon sa bawat sulok ng interaksyon sa personal at online platform. Ang edukasyon natin sa
kasalukuyan ay nakatuon sa e-learning, kung saan ang pag-aaral ay isinasagawa sa mga tirahan ng
bawat isa at nag-aaral gamit ang mga teknolohiyang may internet. Mula sa paksang ito, maaaring
makaapekto ang pagsasakatuparan ng online class sa mga naturang desisyon ng mga mag-aaral sa
pagpili ng kanilang mga kurso sa kolehiyo. Maaaring mas maging praktikal pa ang kanilang mga
pag-iisip sa kadahilanang mas humirap na ang estado ng pagtatrabaho ngayong pandemya. Likas
din ang posibilidad na mas magiging komportable ang mga mag-aaral sa setup ng online class at
mas maengganyo ang mga kabataan na tahakin ang mga nais nilang kurso ayon sa kanilang
pansariling interes. Ang mga teoretikal na modelo at gawaing pang-eksperimento ay parehong
nagmumungkahi na ang paggawa ng desisyon ay gumagana sa pamamagitan ng pag-iipon ng
ebidensya para sa isang partikular na mga opsyon o sitwasyon (Gold at Shadlen, 2007).
Likas sa bawat indibidwal ang maimpluwensiyahan ang tiyak na opinyon ng tao, dahil sa
mga opinyon din ng iba na hindi matangging nakakakumbinsi. Ayon sa pag-aaral nina Kiani
(2009), ang mga pagbabago sa isip ay nangyayari sa maaaring kadahilanan na patuloy ang
pagtimbang ng mga tao sa mga ebidensya pagkatapos ng isang tiyak na desisyon ng tao. Isa pang
kadahilanan ay maaaring ang utak ay gumagamit ng karagdagang mekanismo upang maitama ang
mga nakaraang mga pagkakamali ng isang indibidwal. Ang mga taong mabilis maimpluwensyahan
ng iba, ay ang mga taong madalas likas na mahubog ang pansariling interes at naglalayong
magdesisyon na ayon sa kanilang kagustuhan o hangarin.
Dagdag pa sa praktikal na pagdedesisyon sa pagpili ng kurso, ay ang tyansa na naubusan
ng slot ang kursong nais talagang tahakin ng mag-aaral kung kaya’t ang mag-aaral ay pumili na
lamang ng kaugnay na kurso ayon sa pangunahing kurso nito. Hindi narin naiiba ang salik na kapos
sa budget ang pamilya ng mag-aaral at napilitang tahakin ang mas abot kaya na kurso.
Importanteng aspeto sa mananaliksik na mabigyang linaw kung mas kanais-nais ba ang
kursong BSIE o mas nakakaangat ba ang pagiging praktikal ng kursong BSIE. Ang matukoy ang
natuturing na pagkakakilanlan ng mga mag-aaral sa kursong BSIE at mas deskriptibong masuri pa
ang natatanging epekto ng kursong ito sa mga mag-aaral na nasa kolehiyo.
Konseptuwal na Balangkas
INPUT
PROSESO
OUTPUT
Pagbibigay
Analisasayon
kung ang
Pagtahak ng mga
Mag-aaral sa
Kursong BSIE ay
Praktikal o
Hinahangad na
Desisyon sa
Kanilang
Propesyon
Pagsasagawa ng
Sarbey Bilang
Pagsusuri sa
Pagpili ng mga
Magaaral ng
BSIE sa Kanilang
Kursong
Tinangkilik
Mga
Naglalayong
Pangangatwiran
ng mga Magaaral sa Pinili
Nilang Kurso na
BSIE
Ang pigura ay sumasaklaw sa pangkalahatang istruktura ng sistema ng pananaliksik tungo
sa pagtukoy ng operasyon ng input, proseso, hanggang sa output ng pag-aaral. Sa input
mabibigyang analisasyon kung praktikal ba o hinahangad na propesyon ang isinaalang-alang ng
mga mag-aaral noong pinili nila ang kursong BSIE. Sumunod dito ang proseso ng balangkas, kung
saan makikita ang mga gagamiting midyum sa gagawing pag-aaral na makukuha mula sa
isasagawang sarbey upang mas maintindihan ang mga persepsyon ng mga mag-aaral na
tumatangkilik sa kursong BSIE. Sa huli, ang output o ang magiging resulta ng isasagawang
pananaliksik, kung saan nakalatag dito ang mga naglalayong mga pangangatwiran ng mga piling
mag-aaral sa larangan ng pagpili nila ng BSIE bilang kanilang kurso sa kolehiyo.
Metodolohiya
Ang sangay ng pagsusuri ng mga impormasyong nakalap sa pananaliksik ay mabibigyang
interpretasyon ayon sa mga instrumento at disenyo ng pag-aaral ng mananaliksik. Eksploratori ang
gagamiting uri ng pamamaraan ng mananaliksik. Ang pamamaraang ito ay ginagamit upang
imbestigahan ang isang pangyayari na hindi pa malinaw na tinukoy. Isinasagawa ito upang
magkaroon ng mas mahusay na pag-unawa sa umiiral na problema, ngunit hindi magbibigyan ng
lubos na katiyakan ang mga masasaliksik na resulta sa pag-aaral.
Ang pag-aaral na ito ay isang kwantitatibong panananaliksik, kung saan mas mabibigyang
linang ng eksploratori research ang pagsusuri sa pamamaraan ng paggamit ng estastikong
operasyon. Ang eksploratori kwantitatibong pananaliksik ay gagamit ng metodolohiyang sarbey
sa pagkalap ng mga opinyon o mga paniniwala ng mga piling mag-aaral sa pananaliksik. Sa
pagtuklas ng impormasyon o datos sa pag-aaral na ito, ang pagsasagawa ng sarbey ay isang
pleksibol na pamamaraan upang direktang mabigyang linaw at interpretasyon ang mga makakalap
na datos. Pagsasagamit ng online platform ang intensyon ng mananaliksik upang maipamahagi ng
wasto at mas mapapadali pa ang pagkalap ng mga impormasyon.
Sanggunian
Capps, J. (2019). The Pragmatic Theory of Truth. Retrieved from: https://plato.stanford.edu
/entries/truth-pragmatic/
Fleming, S. M. (2016). Decision Making: Changing our minds about changes of mind. Retrieved
from: https://elifesciences.org/articles/14790
Ganti, A. (2021). Rational Choice Theory. Retrieved from: https://www.investopedia.com/terms/r/
rational-choice theory.asp#:~:text=Rational%20choice%20theory%20states%20that%20
individuals%20rely%20on%20rational%20calculations,interest%2C%20and%20the%20i
nvisible%20hand
Gold, J. I., Shadlen, M. N. (2007). The Neural Basis of Decision Making. Retrieved from:
https://www.annualreviews.org/doi/10.1146/annurev.neuro.29.051605.113038
Kiani, R., Resulaj, A., Shadlen, M. N., Wolpert, D. M. (2009). Changes of mind in decisionmaking. Retrieved from: https://www.nature.com/articles/nature08275
Magdadaro, L. R. P. (2020). Passion-based vs. Practical-based Preference of Strand in Senior High
School. Retrieved from: http://dx.doi.org/10.6007/IJARBSS/v10-i3/7031
Martin, F. G. (2010). The Factors that Affect Students’ Decision in Choosing their College
Courses. Retrieved from: https://www.academia.edu/9627266/The_Factors_that_Affect_
Students_Decision_in_Choosing_their_College_Courses
Naim, J. (2008). Trait and Factor Theory. Retrieved from: https://www.academia.edu/10078587
/Trait_and_Factor_Theory
Oregon State University. (2015). What Do Industrial Engineers Do? Retrieved from:
https://mime.oregonstate.edu/what-do-industrial-engineers-dotl
Philippine Statistics Authority. (2014). 2012 Census of Philippine Business and Industry Professional, Scientific and Technical Activities for Establishments with Total
Employment
of
20
and
Over:
Preliminary
Results.
Retrieved
from:
https://psa.gov.ph/content/2012-census-philippine-business-and-industry-professionalscientific-and-technical
Robledo, A. (2018). Career Path Choice: Passion or Practicality? Retrieved from:
https://thespellbinder.net/3271/features/career-path-choice-passion-or-practicality/
Slohs Expressions. (2016). Choosing A Career: Passion vs. Practicality. Retrieved from:
https://www.slohsexpressions.com/2016/11/01/choosing-a-career-passion-vs-practicality/
Swanson School of Engineering University of Pittsburgh. (2021). Outside Sources on Industrial
Engineering. Retrieved from: https://www.engineering.pitt.edu/departments/industrial/
about/outside-sources/
Related documents