Download kabanata-2-pananaliksik-tungkol-sa-pagpili-ng-pagkain compress

Survey
yes no Was this document useful for you?
   Thank you for your participation!

* Your assessment is very important for improving the workof artificial intelligence, which forms the content of this project

Document related concepts
no text concepts found
Transcript
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
1
KABANATA II
PAGLALAHAD NG MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
LOKAL NA LITERATURA
Ayon kay Marvin Buensico (2018) sa kanyang pananaliksik sa pamana,
Sa makabagong panahon tulad ngayon tila di na tinatangkilik ang mga
tradisyunal na mga pagkain. Hindi na ito lubos na kilala ng mga kabataan
ngayon at di lang pinoy na pagkain ang nakikilala kundi ang mga banyagang
pagkain. Ang kabataan ngayon ay nagkakaroon ng pagkakaibang pagtingin sa
pagkaing lokal at banyaga na tila nabaon na sa limot ang kahalagahan at
kayamanan ng mga pagkaing pamana.
Hinggil sa Food: A Fact of Life (2009) ang bawat tao ay ibat’iba ang
gustong pagkain, nakadepende ito sa pagiging kilala o hindi ng pagkain. Ilan
sa mga nakakaapekto sa pagpili ng pagkain ng mga tao ay ang lasa at itsura
nito. Maging ang pagiging abeylabol ng mga pagkain ay nakakaapekto sa mas
tinatangkilik na pagkain.
Batay sa aklat na pinamagatang Food Service and Bartending (Roldan &
Edica, 2011), ang pagkakaroon ng kaso sa food borne diseases ay sadyang
nakakapekto sa imahe ng isang kainan. Ang pagkakaroon ng isang kaso
lamang ay sadyang makakaapekto at pwedeng maging dahilan ito sa mga
konsyumer upang hindi na bumalik sa kainan na iyon. Ang isang empleyado
ng kainan na hindi marunong mangalaga sa kalinisan ng pagkain at katawan
ay pwedeng maging instrumento sa paglipat ng kontaminasypn at food borne
1
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
2
diseases. Kung kaya’t nararapat lamang na ang mga taong may kinalaman sa
food handling ay mahalaga at nararapat na makatanggap ng sapat na
edukasyon at pagsasanay tungkol sa kaligtasan at kalinisanng pagkain.
Galing sa ginawang pananaliksik ni Cruz at Javallene (2010) na
estudyante ng UST College, na ang layunin ay malaman kung ano ang mas
tinatangkilik na pagkain ng mga estudyante sa UST. Ayon sa mga nakalap ng
mga mananaliksik na impormasyon at datos sa pamamagitan ng sarbey at
interbyu lumalabas na malaki ang agwat ng mga estudyante na mas pipiliin
ang mga banyagang pagkain. Isa sa maraming rason ng mga estudyante na
mas tumatangkilik sa pinoy food ay una, ay dahil sulit at magaan sa bulsa ang
mga pinoy foods. Pangalawa, sulit sa panlasa ang mga pinoy food. Lumalabas
din sa pananaliksik na mayroon din mga estudyante na mas gusting kumain
ng mga banyagang pagkain.
Ayon kay Hannabeth Zambrano (2017) sa kanyang pananaliksik na Asin:
Gamit pampalasa sa pagkain, na ang asin ay essensyal sa buhay ng tao at
ang alat ay isa sa mga panlasa ng tao. Ang asin simula pa noong unang
panahon ay ginagamit na bilang pampalasa sa pagkain. Malaki ang epekto ng
asin sa ating pagluluto. Mas nagiging masarap ang ating pagkain dahil sa
asin. Pinapalabas ng asin ang mga natural na lasa ng pagkain. Malawakang
ginagamit ang asin sa mga pagkain sa buong sulok ng mundo.
Para kay Dong sa kanyang pananaliksik na may paksa na “pagtangkilik
ng mga Pilipino sa lutong banyaga” ito ay nagpakita na malaki ang lamang ng
mga pagkaing Pilipino sa mga pagkaing dayuhan pagdating sa usapin ng
preferensya ng mga Pilipino. Kaugnay ng pananaliksik na ito ay ang
2
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
3
impluwensya ng mga dayuhan na ginawa ng mga Pilipino ng sariling bersyon
na nagpakita lamang na malikhain ang mga Pilipino.
Batay sa interbyu mula sa isang empleyado ng SECS Golden Hills
Project, naisipan niyang itayo ang kaniyang negosyong alahas dahil ito ay
kaniyang talento na nakuha sa pagtatrabaho sa sanglaan ng kaniyang mga
magulang noong siya ay bata pa.
Ayon kay Vanegmond (1990), nagumpisa ang school food service o ang
serbisyong pang pagkain, sa pamamagitan ng National School lunch Act na
itinatag noong 1946. Ang School food Service ay lumawak at naisama ang
agahan, meryenda at iba pang kaso, hapunan sa mga matatanda at sa mga
kabataan.
Ukol ni Lyca Balita (2016) mula sa artikulong “Pagkakaroong ng
Negosyo sa panahon ng Millennials”, dahil sa malakas na “demand” ng mga
tao na gustong bumata at magkaroon ng “healthy lifestyle”, naisipan niya na
magtayo ng negosyong may kaugnayan rito.
Galing sa pag-aaral na isinalin ni Noele Baralde (2011) patungkol sa
“Pag pili ng Negosyo” ay may tinatawag na “market survey” o “market
analysis” na isinasagawa upang malaman kung ang produkto o serbisyo ay
bebenta.
Batay sa pag-aaral ni Arnel Bautista patungkol sa “Katangian ng
Entrepreneur”, dapat na malaman at matutunan kung paano makapagbibigay
saya sa mga mamimilli dahill kapag sila ay nasiyahan sa produkto o serbisyo.
Madaming tatangkilik sa isang negosyo.
3
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
4
Ukol sa isang pananaliksik tungkol sa exotic foods na matagpuan sa
Pilipinas, sinasabing parte na ng kanilang kultura at buhay ang pagkain ng
exotic foods. Natutulungan ng nito ang pagdami ng turista sa bansang
Pilipinas. Kapital na rehiyon ng Pilipinas ang Manila, at ditto matatagpuan ang
pagkain na nakapansisindak ng sikmmura. Ang kalye ng Ongpin sa Binondo,
Maynila ay pinalilibutan ng malalaking industriya na pinamumunuan ng mga
tsino, ngunit kung ililibot mo ang iyong mga mata marami kang makikitang
kainang naghahanda ng exotic foods. “MASARAP!” ito ang karaniwang sagot
ng mga taong napapadayo roon.
Para kay DZPT, ang Suyo, Ilocos Sur ay ipinagmamalaki ang pagkaing
tulak o palaka na hindi pangkaraniwan. Ang mga ito ay maaaring maituring na
pinakamalinis na palaka sa buong bansa sa kadahilanang ang Suyo, Ilocos
Sur ay isang upland municipality kaya malilinis ang mga pagkain na
matatagpuan dito.
Ayon kay Villanueva (2010), ang nutrisyon ang pundsyon upang
magkaroon ng magandang kalusugan. Kailangan malaman ng mga indibidwal
ang tamang pagpili ng kanilang kakainin upang makamit ang malusog na
pangangatawan.
BANYAGANG LITERATURA
Batay sa aklat na pinamagatang Quality Food Production, Planning,
and Management, Knight and Kotschevar (2000), ang mga serbisyong may
kinalaman sa pagkain ay isa sa pinakamalaking industriya sa buong mundo.
4
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
5
Mahigit sa 16,284 Php. bilyon sa taong 1999 lamang dahil sa bawat 117 Php.
na nakukuha sa pagkain, 50 Php. rito ay napupunta sa serbisyong pang
pagkain. Nagsimula ang paglago ng industriyang ito bago pa man ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mabilis ang paglaki ng pursyento nito kada
taon.
Ukol
sa
aklat
na
pinamagatang
Foodservice
Management
ni
VanEgmond-Pannell (1990), Simula nang maitatag ang National School Lunch
Act noong 1946, nag umpisa ang serbisyong pang pagkain o ang School
Foodservice. Ang serbisyong pang pagkain ay lumawak at naisama ang
agahan, merienda, a la carte at hapunan para sa nakatatanda at sa mga
kabataan. Nagkaroon ng mga tama at masusing pag-aaral ang naganap dahil
sa mga pabago-bagong hilig ng mga mamimili. Dito nag-umpisa ang mga
kursong nakapokus sa serbisyong pang pagkain at mga pagsasanay na
dinaluhan ng mga manggagawa.
Tungkol sa aklat na pinamagatang Taste Preference and Food Intake
vol. 17:237-253, Adam Drew (1997), malaki ang naidudulot ng lasa, amoy, at
itsura ng pagkain at kung paano kumakain ang isang tao. Nakakaapekto din
sa gugustuhing pagkain ng isang tao ang pagiging kilala o hindi ng isang
pagkain.
Naging batayan ng pagpili ng pagkain at gustong pagkain ng mga tao ang
attidunal, social, at economic variables tulad ng kita.
Ayon sa aklat na pinakamagatang, Food Hygiene (Marwaha, 2012), ang
kalakalang mga pagkain at pakikihalubilo sa ibang mga bansa ay patuloy na
umuunlad habang lumilipas ang panahon, at nagdadala ng hindi lamang
5
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
6
pang-ekonomiko ngunit patipang-sosyal na mga benepisyo. Kung gayon, ang
epektibong kontrol sa kalinisan ng pagkain ay mahalaga upang maiwasan ang
masamang epekto sa kalusugan ng tao atmga ekonomikong dulot ng
foodborne illness, foodborne injury and food spoilage.
Galing sa aklat na pinamagatang Introduction to the Hospitality Industry,
(Barrows & Powers, 2010) isa ang pagtatapon ng basura sa mga malalaking
problema na kinakaharap ng ating lipunan kaya naman pinagtutuunan na itong
mabuti ng pansin ng mga tao. Isa sa paraan para matapon ang basura ng
maigi ay ang pagkakaroon ng sanitary landfill kung saan meron itong
groundwater monitoring system na nagtse-tsek kung nako-kontamina ba ang
tubig sa ilalim nito at methane collection system na nagbabawas sa amoy na
inilalabas ng mga basura. Ang pagkakaroon ng isang sanitary landfill ay mahal
kaya naman sinabi sa aklat na ito ang iba pang paraan tulad ng pag reduce,
reuse, recycle, composting, at incineration.
Hinggil sa aklat na inilabas ng Avens Publishing Group (2016), maliit na
bilang ng mga kabataan ang kumakain ng mga masusustansiyang pagkain na
hinahahain sa paaralan. Pinatutunayan ng aklat na ito na mas pinipili ng mga
kabataan ngayon ang mga masasarap na pagkain kaysa sa mga makabubuti
sa kanila.
Para kay Offei-Ansah (2013) sa nailathala sa kanyang Nutrition and
Health journal na ang malaking bilang ng mga estudyante ay mayroong iba’tibang hilig sa pagkain kada taon. Malaki ang naging epekto nito sa kalusugan,
pagbabago ng kapaligiran at edukasyon. Ang ginamit na rekomendasyon sa
6
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
7
pag-aaral upang mahikayat ang mga estudyante na sumali sa kompetisyon sa
pagluluto upang mas malaman ang iba’t-ibang tradisyunal na potahe.
Batay sa pananaliksik nina Shanon C., Story M. at Fulkerson JA. sa
kanilang pananaliksink na Food Choices of High School Students,
naiimpluwensyahan ang pagpili ng isang estudyante sa bibilhin nitong pagkain
sa pagpapahalaga nito sa kanyang kalusugan. Nagiging Maingat ito sa mga
nagiging desisyon para sa ikabubuti nito sa kanyang sarili.
Ukol sa Culinary institute of America (2009) sa aklat na pinamagatang
Remarkable Service, kailangan mayroon ang isang negosyo ng magandang
kalidad ng serbisyo dahil ito ang pinakaimportante upang magtagal ang
establisyemento. Ang serbisyo ay tumutukoy sa kung paano ihanda ang mga
pagkain/produkto at kalinisan ng mga kasangkapan.
Ayon sa Plate Waste Issue (Shanklin,2001), ang pag-aaral na isinagawa
nila
tungkol sa pagpili ng pagkain at pagtake ng sapat ng nutrisyon sa mga
western schools ay naglalayon na alamin ang mga pagkaing pipiliin ng mga
estudyante para sa kanilang meryenda.Lumalabas na maraming bilang ng
mga estudyante ang pumipili ng masusustansiyang pagkain na naglalaman ng
iba't ibang nutrisyon tulad ng vit a&c, protein, iron at calcium. Gayunpaman,
kadalasan sa mga pagkaing ito ay may natitira o hindi nauubos.Sa tulong ng
survey, napag-alaman na ang pigs in a blanket at fish wedges ang may
pinakamataas na bilang ng pagpili mula sa mga pagkaing nakalatag. Sa
kabilang banda, ang mga prutas at gulay ay lumalabas na pinakamababang
napili ng mga estudyante maliban sa mga french fries, hash browns, at iba
pang produkto na gawa sa patatas. Ang ilang mga pagkain na hindi pamilyar
7
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
8
sa mga estudyante ay hindi nila kinakain. Bilang resulta, hindi nakakamit ng
mga estudyante ang sapat na bilang ng nutrisyon na kailangan ng kanilang
katawan.
Ang 'buy one get one' ayon kina Sinha & Smith (2000) ay isa sa mga
sikat na paraan ng mga negosyante upang i-promote ang isang produkto. Na
kung saan kapag bumili ka ng isang produkto, makakakuha ka ulit ng isa pa
ngunit walang bayad. Gamit ang teknik na ito, maraming mga estudyante ang
maaakit na bumili ng produktong 'buy one get one' dahil nga sa isang halaga,
mayroon nang mabibiling dalawang produkto. Maaaring paghatian ng
dalawang estudyante ang ipambabayad sa produkto upang mas makatipid
sila. Ang ganitong uri ng promosyon ay may malaking tulong din lalo na sa
mga nagtitinda upang mas mapabilis ang pag-ubos ng kanilang paninda. Li,
Sun & Wang (2007).
Sintesis ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Sa mga nabanggit na pag-aaral at literatura, lokal man o banyaga ay
nakabuo ng iba't ibang mga ideya. Natalakay ang iba't ibang pamamaraan
kung paano nagdedesisyon ang isang negosyante kung anong mga produkto
ang kanilang maihahain sa mga estudyante ng Polytechnic University of the
Philippines. Makakatulong ito upang mabigyan ng ideya ang mga negosyante
kung ano ang mga misasagawa nilang hakbang upang maisagawa ang isang
produkto .
Nabanggit din dito ang mga dapat tandaan ng isang negosyante sa
pagtatayo ng kanyang sariling negosyo. Nakapokus ang mga pag aaral at
8
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
9
literatura sa kung paano nakakaimpluwensya ang iba’t –ibang klaseng
pagkain sa pagtatayo ng isang kainan. Nakabuo ang mga pag aaral na ito ng
mga malilikhaing ideya upang makuha ang panlasa ng mga tao at tangkilikin
ang kanilang negosyo. Kailangan isaalang-alang nila ang mga nakabubuti o
nakakasamang epekto nito sa mga tumatangkilik. Ang paga-akma ng kanilang
produkto ay nakabase rin sa kapaligiran at mga kagustuhan ng mga
estudyante. Mahihinuha natin na iba't iba ang mga batayan ng mga tao lalo na
ang mga kabataan ukol sa pagkaing ihahain sakanila. Mas naging mapili ang
panlasa ng kabataan sa mga panahong ito dahil sa mga naglipanang mga
iba't ibang klase ng pagkaing mapagkikitaan ng mga negosyante. Sa
pagtatayo ng isang negosyong pangkainan, kailangan makalikha ng produkto
o serbisyo na papatok sa mga estudyante ng Polytecnic University of the
Philippines.
9
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
10
10
Related documents