Download sinaunang gresya

Document related concepts
no text concepts found
Transcript
Sinaunang Gresya
Heograpiya ng Gresya
•matatagpuan sa dulongtimog ng Balkan Peninsula na
nakatangos sa Dagat
Mediterranean
•kabilang ang maliliit na pulo
ng Dagat Aegean
•dagat na hangganan ng
Gresya – Aegean sa silangan,
Ionian sa kanluran at
Mediterranean sa timog
•bulubundukin at
nagsisilbing gulugod
ang Bundok ng
Pindus
•ma-baybayin, golpo
at look
•rehiyon sa Golpo ng
Corinth – Attica at
Peloponnesus
Kabihasnang Minoa
•unang nanirahan sa
Aegean
•unang nakilala ang mga
Minoan nang
matagpuan ni Arthur
Evans, isang
arkeyologong Ingles ang
guho ng palasyo sa
Knossos, Crete
•pinaniniwalaang
palasyo ni Haring
Minos
•ang palasyo ay
nagpapahiwatig na ang
mga Minoan o Cretan ay
may kaalaman sa
paggawa ng daanan ng
tubig, pagpipinta sa
sariwang plaster
(frescoes), kasanayan sa
paggawa ng pinong
plorera, tela, pabango at
pag-ukit ng pigurin
•mula sa pangkat ng mga
mandarayuhang Aryan na
naghahanap ng bagong kabuhayan,
na unang namalagi sa Mainland
Greece
•ang pinanggalingan ng wikang
Griyego
•dahil sa yari sa bronse ang kanilang
mga kagamitan, madali nilang
nagapi ang mga mamamayan na
nasa panahon pa rin ng bato
•nang lumaon, nanirahan sa Timog
Gresya at nakipagkalakalan sa Crete
– hanggang mapasailalim ng isang
pinuno
•nag-alsa ang mga Achaean sa
Mycenae na nagbigay daan sa
pagpapalit ng Crete bilang sentro ng
kabihasnang Aegean
•sa pagsasanib ng kulturang Minoan
at Achaean, mababakas ang binhi
ng kabihasnang Griyego
Trojan War
•nabangit din sa epikong Illiad ni
Homer
•naganap sa Troy, lupain sa Asia
Minor
•digmaan sa pagitan ng mga Achaean
at Trojan dahil sa mataas pagpataw ng
buwis ng mg Trojan sa mga sasakyang
dagat na dumadaan kipot ng
Dardanelles
Dorian
• malupit na tribong Griyego na nanalanta
sa hilagang Gresya
•sa loob ng maikling panahon, nagapi nila
ang mga Achaean at nasira ang halos lahat
ng bakas ng kabihasnang Mycenae
•“Panahon ng Karimlan” – 200 taong
kaguluhan sa Gresya na dulot ng
pananakop ng mga Dorian
habang umaahon ang mga Griyego sa
pananalanta ng mga Dorian, lumaki ang
populasyon ng Gresya at nagkulang ang
lupang sakahan – nagbunsod ito ng
pandarayuhan at pangangalaka ng
karamihang Griyego, marami ang nagtayo
at nanatili sa Aegean, ang naging simula
ng ugnyan ng Silangan at Gresya
Ang LungsodEstado ng
Gresya
•polis – isang maliit na lungsod ngunit malaya tulad ng isang estado
•may sarili itong depensa at patron
•sa simula, pinamumunuan ng isang na nakatira sa moog na nasa burol o mataas na
bahagi ng lungsod na tinatawag na acropolis
•nahahati ang mga tribong Griyego sa maraming lungsod-estado na sadyang maliit ang
karamihan ngunit malaya sa isa’t isa
KASAYSAYANG
PAMPOLITIKA
monarkiya
aristokrasya
demokrasya
Panahon ng
Monarkiya at
Aristokrasya
•sa simula lamang pinamumunuan
ng mga hari
•hindi gaya ng ilang matatandang
kabihasnan, ang hari sa Gresya ay
may limitadong kapangyarihan
•ang hari ay sumasangguni sa
konseho ng mga maharlika, at
mula sa mga maharlika ang
magpapahayag ng desisyon
•nang lumaon, nalipat sa
mga maharlika ang
kapangyarihan –
ARISTOKRASYA =
“pamumuno ng
pinakamahuhusay”
•taun-taon humahalal ang
lungsod ng mga
kalalakihang nakakaangat sa
lipunan
Panahon ng
Pananakop
•naging malupit ang pamamahala ng mga
maharlika
•hndi naging kasiya-siya an gang kalagayan
ng lipunan na humantong sa paglobo ng
populasyon hanggang sa di na kayang
tustusan ng mga lupang sakahan, na naging
dahilan nang pagpapadala sa ibang lungsod
na mga mandarayuhan, hanggang sa
makapagtatag ng mga kolonya sa; timog
Italya, Sicily, Timog France, baybaying
dagat ng Africa sa gawing kanluran ng
Ehipto, sa mga kipot patungong Black Sea
Pagkatatag ng
Imperyong Griyego
•nagsimula bilang
pakikipagkalakalan sa mga lungsodestado hanggang sa humantong sa
pananakop o kolonisasyon
•Lydia – isang bansa na lumikha ng
salapi na ginamit ng mga Griyego sa
pakikipagkalakalan
Athens:
Pinakademokratikong
Lungsod – Estado ng
Gresya
•isa sa mga maraming
lungsod ng Attica
•unang pinamunuan ng hari
hanggang sa hawakan ng
mga maharlika
•archon – pamalahan ng
isang konseho ng mga
aristokratiko na
pinamumunuan ng siyam na
opisyal
•assembly – sangay ng
pamahalaan na bukas sa
lahat ng mamamayan na
may ari-arian
•Draco – archon na
naatasang bumuo ng kodigo
ng mga batas ng Athens para
mabasa ng lahat, ito ay sagot
sa pag-aaklas ng taong bayan
•Solon – nabibilang sa maharlika,
hinirang upang panumbalikin ang mga
suliraning panlipunan sa kanyang
panahon
•pinawalang bisa niya ang mga may
utang
•nagtalaga ng limitadong sukat ng lupa
na maaaring ariin ng mamamayan
•bumuo ng bagong saligang batas na
nagbibigay kapangyarihan sa assembly
na gumawa ng batas at maghalal ng
mga pinuno ng pamahalaan sa halip na
konseho ng aristokrata
•sa ilalim ng saligang batas na ito,
lahat ng mamamayan ay may
karapatang ipahayag ang kanilang
saloobin sa pamahalaan
•sa pagkamatay ni Solon, nauwi sa
digmaang sibil an gang tungkulin ng
mga partido politikal
•Pisistratus
•humalili kay Solon at at nagpanumbalik
ng kapanatagang politikal
•tyrant – sinumang tao na humawak na
humawak ng tungkulin ng pamahalaan sa
paraang hindi naaayon sa batas o
kaugalian kahit na siya ay mapagkawanggawa
•ipinagpatuloy niya ang palakad ni Solon
•itinaguyod ang alyansang komersyal sa
ibang lungsod-estado
Cleisthenes
•nagtatag ng demokrasya sa
Athens
•binuksan niya ang assembly sa
lahat ng kalalakihang malaya,
mayari-arian man o wala
•Council of Five Hundreds – may
karapatang magmungkahi ng batas
sa assembly
Sparta: Ang
Estadong Militar
•naiiba sa pamahalaan at paraan ng
pamumuhay sa ibang lungsod-estado
•isang lungsod sa Laconia, timog Greece na
siyang napiling tirahan ng mga Griyego
mula sa lahi ng mga Dorian
•kasanayang militar ang mithiin ng isang
Spartan kaya itinuon ng estado ang lakas at
kakayahan ng lahat ng mamamayan sa
layuning ito
•taon pito (7) hanggang animnapu (60) sa
ay sumasailalim ang mga kalalakihan sa
mahigpit na pamamahala ng estado at
inaasahang kikilalanin ang layunin ng
estado bilang pansariling kapakanan
•upanag mapangalagaan ang mga
Spartan, pinagabwalang makipagkalakan
sa ibang lungsod estado at pinagamit ng
sariling salapi na walang halaga sa ibang
estado
•tinataboy taun-taon ang mga dayuhan
palayu sa lungsod ng estado
•hindi kailangang maghanapbuhay ang mga
Spartan sapagkat sagot ng mga
mahaharlikang angkan ang kanilang
ikabubuhay
helot – malaking bilang ng mga Spartan na
mga aliping nagsasaka sa mga panginoong
may-lupa
Digmaang
Persiano
Cyrus the Great
•pinunong Persiano na kilala sa lawak ng
kanyang nasasakupan – mula sa Ilog
Indus hanggang sa Silangang baybayingdagat ng Mediterenean
•unang sinakop ng mga Persiano ang
lungsod-estado ng mga Griyego sa Asia
Minor (500 BC)
•sinundan ito ng pag-aalsa ng mga Ionian
(499 BC)
Unang Pagtatangkang Pagsakop
(492 BC)
•sinakop ng Persia an gang
Thrace at Macedonia ngunit
lubos na nawasaka ang kanilang
plota habang iniikot ang lungos
ng Bundok Athos patungo sa
tangway ng Greece sa ilalim ni
Haring Darius
Ikalawang Pagtatangkang
Pagsakop (490 BC)
•matapos mabihag ang lungsod ng
Eritrea at maalipin ang mga
mamamaya, naglayag sila
patungong kapatagan ng
Marathon, sa baybay-dagat ng
Attica may 38 km sa timog ng
Athens
•humingi ng tulong ang Athens sa
Sparta ngunit nagdiriwang noon
ng isang banal na kapistahan ang
Sparta kung kaya’t nahuli ito sa
pagpapadala ng mga kawal
Sa harap ng higit na
nakararaming sundalong
Persiano, buo ang loob ng
mga Athenian na magkaisa at
bumuo ng isang matatag na
lupon na tinatawag na
phalanx (lupon ng mga kawal
na naisinsin) laban sa mga
Persiano.
Walang nagawa ang mga Persiano
sa kagitingan ng mga Griyego at
nagkakagulo silang tumakas
patungo sa kanilang sasakyangpandagat.
•namatay si Darius habang
naghahanda para sa isa pang
paglusob sa Gresya. Gayunpaman
ang kanayang anak na si Xerxes
ang nagpatuloy sa pagbuo ng higit
na malaking puwersa
•sa panig ng Athens –
Themistocles
•humimok sa mga Athenian na
palakasin ang hukbong pandagat
nang higit pa sa puwersang
panlupa sapagkat nauunawaan niya
na kailanman mapapantayan ng
Gresya ang higit na malaking
hukbo ng Persia
•hindi nagtagumpay ang pagsisikap
na masanib ang lahat ng lungsodestado ng Gresya laban sa Persia,
ngunit nagpasya ang Sparta at ang
ibang pamayanan na makiisa sa
Athens
Pamumuno sa
Puwersang Pandagat at
Panlupa
Noong 480 BC, tinawid ng hukbo ni Xerxes ang Hellespont
(Dardanelles) sa pamamagitan ng mga bangkang nagsisilbing tulay,
kasunod ang plota ng mga sasakyang-pandagat dala ang malaking
bahagi ng panustos sa hukbo. Hinarangan ni Haring Leonidas at ng
300 Spartan ang makitid na daan ng Thermopylae sa nasa pagitan ng
matatarik na bundok at baybay-dagat at tinalo ang mga Persiano sa
loob ng tatlong araw.
Ngunit ang traydor na Griyego,
si Ephrates, ang nagturo sa
mga Persiano ng isang lihim na
lagusan sa kabundukan na
siyang nagbigay ng
pagkakataon sa mga kaaway na
lusubin ang mga Spartan sa
likod nito. Nanlaban ang 300
Spartan hanggang wala ni isa sa
kanila ang naiwang buhay.
Tumuloy ang mga Persiano sa gitnang Gresya patungong Athens. Hinikayat ni
Themistocles na iwanan ang lungsod at tumuloy sa karatig-pulo ng Salamis at
Aegina para sa kanilang kaligtasan dahil alam niyang walang magagawa ang
kanyang maliliit na hukbo sa malaking puwersa ng Persia. Sa halip, sinalubong
niya ang kaaway sa isang labanan sa karagatan. Sapagkat walang humadlang sa
mga Persiano, dinambong nila ang Athens, habang ang plota ng mga Griyego na
binubuo ng mga triremes (mga maliliit, magagaan, ngunit medaling imaneobrang
sasakyang-dagat) ang tumungo sa makitid at mababaw na look ng mga Salamis at
naubos ng lahat ng mga Griyego ang plota ng mga Persiano.
Imperyong Athens
Bagama’t naitaboy sa Gresya ang mga puwersa ng mga Persiano, nsa
kapangyarihan pa rin ni Xerxes ang mga lungsod sa Asia Minor. Nang
humingi ng tulong ang mga lungsod na ito, pinagsanib ng mga
Athenian ang maraming lungsod-estado sa punong lupain sa isang
alyansa o liga na nakilala sa tawag na Delian League mula sa
distritong Delos.
•ginawang imperyong Athenian ang dating hukbong pandagat
•ginamit ng Athens ang pondo upang muling itayo at pagandahin ang
lungsod
•tinaboy ang mga pirata sa paligid
•pinasigla ang kalakalan sa Dagat Aegean
•Pericles – estadisatang pnamuno sa pagpapanumbalik ng Gresya at
dinala ito sa kanyang “Ginintuang Panahon”
Pagbagsak
ng Athens
Digmaang
Peloponnesian
•naging sentro ng politika at
kultura ang Athens sa silangang
Mediterranean
•kinilala bilang pinuno ng mga
lungsod-estado sa Gresya
•ang mga lungsod-estado na hindi kabilang sa imperyo ng Athens ay
nainggit dito – una ang Sparta
•itinatag ng Sparta ang Ligang Peloponnesian (Peloponnesian
League) – mula sa distrito ng Peloponnesus
•nilalayon ng Sparta na ibagsak
ang Athens hanggang sumiklab
ang Digmaang Peloponesian na
kinapapalooban ng Athens at
Sparta kasama ang mag
kaalyadong lungsod-estado
•tumagal ito ng halos 27 taon
•dinapuan ng salot ang Athens na halos lumipon sa ikaapat na bahagi
ng populasyon nito na kung saan kabilang si Pericles – naiwan niya
ang Athens ng walang pinunong mapagkakatiwalaaan
•nagkaroon ng disabilisasyon sa estado
•humirap lalo ang imperyo
dahil sa walang katapusang
digmaan at palusob sa
Syracuse at pulo ng Sicily
•nawalan ng kontrol ang mga
Athenian sa karagatan, mula sa
kanilang kuta sa Attica,
sinakop ito ng mga Spartan
•sa loob ng 60 taon, sa pagbagsak ng Athens, hindi natapos
ang mga lungsod estado sa pakikipaglaban sa isa’t isa
•humina ang mga lungsod-estado na naging dahilan ng
madaliang pagsakop ng mga Macedonian mula sa hilaga sa
pamumuno ni Haring Philip
Pagkakatatag
ng Imperyo ni
Alexander the
Great
•Macedonia – hilaga ng
Gresya, bagamat ng Griyego
ang wika dito, kakaunting
kaugalian lamang ang kanilang
sinusunod at nahuhuli sila sa
kabihasnan
Haring Philip ng Macedonia
•noong namumuno ang
Thebes sa Athens, nabihag
siya ng mga ito at humanga
sa kagalingan ng Athens
•pinangarap niyang
masakop ang Athens upang
magamit ito laban sa mga
Persiano
Labanan sa Charonea –
nagtapat ang Athens kasama
ang Thebes laban sa
Macedonia, nagapi ang Athens
•hinayaan niyang pamunuan
ng kani-kaniyang pinuno ang
mga estado
•naisakatuparan niyang
patalsikin ang mga Persiano
pataksil siyang pinatay noong
336 BC
Alexander the Great
•anak ni Philip at humalili sa kanya
•minana niya ang kaharian mula sa kanayang ama maging ang
mga digmaan
•una niyang winakasan ang pag-aaklas sa sariling bayan
•tinungo niya ang Gresya at dinurog ang Thebes
•mula sa ginawa niyang ito, napigilan ang mga nagbabanta sa
kanyang pamunuan
•kasama niya sa kanayang
paglalakbay at pananakop ang
mga inyenyero upang magtayo
ng mga moog at tulay
•itnituring siya na
pinakamaniingning na pinuno
sa kasaysayan
Labanan sa Granicus –
nagapi niya si Haring Darius ng Persia
sa Ehipto – ipinahayag niya
sa pamamagitan ng isang
orakulo na anak siya ng
Diyos at itinatag niya sa
bukana ng Nile ang lungsod
ng Alexandria
•naisagawa niya ang pananakop sa Persia at hanggang
makarating sa Malayong Silangan sa lamabak ng Indus
•sa loob ng 13 taon, napalawak na niya ang kanyang mga
nasasakupan
•324 BC, nagkasakit dahil sa pagkahapo at pagkalasing
hanggang sa namatay siya noong 322 BC
•nang siya ay namatay, nahati sa
kanyang mga heneral ang
kanyang nasasakupan,
Antigonus sa Europa, Seleucus
sa Asya at Ptolemy sa Ehipto
•pagkalipas na lang 200 taon, bago nabuong muli ang imperyo
ni Alexander sa panahon ng mga Romano
Pagyabong ng
Kulturang Helenistiko
•Hellenic – purong kulturang
Griyego
•Hellenistic – kulturang
pinaghalong Silangan at
Griyego
•sa loob ng isang isiglo, naging unibersal ang wika sa lahat ng
sakop ni Alexander the Great
Alexandria ng Ehipto
Pergamum malapit
sa dating Troy
Antioch sa Syria
Rhodes sa Mediterranean
•sa pamamagitan ng kalakalan, nagkaroon ng palitan ng
kultura
•ang unang salin-wika ng bibliya na nasa wikang Hebreo ay
nasalin sa Griyego na naging dahilan ng paglaganap ng
Kristiyanismo
Kaisipang
Pampolitika:
Pamanang
Griyego
•aristokrasya – pamamahala ng
kakaunting namumuno
•tyranny – pamamahala ng
malupit na pamumuno
•Demokrasya – demos
(tangong bayan) at kratos
(kapangyarihan) – ang
kapangyarihan ay mula sa taong
bayan
•ilan sa pinaniniwalaan ng mga Griyego;
•unang tungkulin ng tao ay sa kanyang sarili
•ang maaaring tawaging “buong taoay may kakayahang pagyamanin ang
kanyang katawang pisikal at kaisipan
Pericles
•pinakadakilang estadista na ang panagalan ay
katumbas ng Ginintuang Panahon ng Gresya
•tinaguriang “Unang Mamayan” ng Athens
•pinagsanib niya ang katalinuhan ng isang
estadista, mananalumpati at pilosopo
•pinagsumikapan niyang mabigyan ng sweldo ang
mga naglilingkod sa pamahalaan
Pilosopiya: Pinamulan ng
Karunungan
•pilosopiya – philos at
sophia – na ang ibig
sabihin ay pagmamahal
sa karunungan o
katalinuhan
Socrates
•unang pilosopo ba tumalakay sa suliranin ng tao kaugnay sa ibang tao sa sansinukob
•naniniwala siya na tulad ng pagkakaroon ng mga prinsipyo na nagpapaliwanag ukol sa
sansinukob, mayroon ding mga prinsipyo ukol sa katotohann, kabutihan at katarungan
na dapat gawing gabay ng mga tao sa kanilang buhay
•socratic method o dialectic – question and answer
•kilala siya sa paniniwalang “kilalanin ang sarili” o know yourself
•siniraan at inakusahang naninira ng kaisipan ng mga mag-aaral, dinakip, kinulong at
hinatulan ng kamatayan s apamamagitan ng pag-inom
Plato
•mag-aaral ni Socrates na nagtipon ng lahat
ng tala tungkol sa kanyang guro
•may-akda ng Dialogues at ng The
Republic
•nagtatag ng paaralan sa Academy
•Aristotle
•mag-aaral ni Plato
•pinakamatalinong tao ng
maraming manunulat ng
kasaysayan
•sumasaklaw sa kanyang
katalinuhan ang astronomiya,
biyolohiya, matematika,
pisika, panulaan, politika at
etika at ang pinakadakilang
pamana niya ay ang lohika at
agham ng pangangatwiran
Related documents